"high school life o' my hayskul layf i remember it kay ganda.. bakit kung graduation day ay luluha ka talaga...."
Not the exact lyrics ng song. pero yan ang dati ko napapakinggan. Nyahahaha
Talagang nakakamiss ang pagiging high school. Aral, Laro, Exam, Aral.
Nag High School ako sa Saint Andrew's School, ito ay private school na exclusive sa
mga lalake. katapat ng paaralan namin ay Saint Paul College woooooooooot!
Nung ako ay naging First Year Highschool, medyo nagkaka-ilangan pa dahil wala pa ako kilala.
Naging seatmate ko nung si Carlo at dun ako na impluwensya mundo ng Rock ! Dati pa ay mahilig na ako dun, sabihin na nating mas naging malawak ang alam ko sa Rock n' Roll. Simula nun ay nahiligan ko na mag collect ng Nirvana items. Naalala ko pa si Mr.Labaguis, ang aming guro na panot at mukang makata. Teacher ko sha sa Drafting, at mabangis to ! One time, naglalaro lang kami ng lapis at bolpen..plus sobrang ingay pa ng class namin. Biglang naghimutok si sir at tinaob ang teacher's table! gulat kami ! TUMAHIMIK talaga lahat ! haahah. First year High School din ako sumuntok ng classmate para sa walang kwentang bagay. Oo, palaaway ako, pero hindi ako ang bully type na person. More of... Boy-Next-Door. Average guys lang talaga. Eh kase ba naman.. ganito ang nangyari. Nag mini-quiz kami sa Science, kapag pinasa mo yon, meron kang +10 sa Long Exam. Syempre ako naman, todo kopya. pati yung iba, KAPIT SA MATATAG. 5 Tao lang ang pipiliin nun.. ehh Last Person nlgn ang need ni Mam. Unfortunately, hindi ako nakapagpasa.. ang last person ay si Gascon. oo ! Tangina! Sayang..so inggit ako ! tumayo ako.
Me: sus, kopya mo lang yan eh !
Gascon: tangina mo hindi naman eh!
Jason: hahah. kinopyahan mo yung class president natin eh!
Me: tangna mo, suntukan nalang oh.
Well, ayun.. nagpantig talaga ang tenga ko, at sinapak ko siya sa kaliwang mata. May maliit na black eye sha, pero konti lang. Hihihihih~after nun, niyaya nya ako mag suntukan sa Lunch time. Syempre, ayoko mabawian ako.. kaya sa loob nalang ako ng campus nag lunch at maglaro ng....... MAGIC : THE GATHERING.
OO! yun ang usong uso sa School nun! as in, sobrang adik ako. Ito ay laro ng pandalawahang tao, Dapat may Deck of Cards kayong dalawa. Maglalaban kayo na parang Wizards daw kuno, by using Spell Cards and Summon Cards. You start with 20 life points and once it drops sa ZERO or Negative. TALO KA ! Syempre, maganda laruin to dahil napapaisip ka. Mas maraming cards, mas maganda. Mas Rare, mas maganda~! Mahal nga lang ang hobby na to dahil naalala ko 70 Pesos ang isang Pack na yon. Naalala ko pa yung Deck ko nun, sobrang crap.. pero nag evolve to sa kakakupit ng cards. HAHAAH Bad talaga ako ampff.. nabuo to ang deck ko sa Sliver Deck kahit masakit sa bulsa dahil sa allowance ko ako kumukuha ng pambili nun.
Ay naalala ko..natatawa ako nun yung isa kong classmate na si Leo nawawala yung Collection nya na Michael Jordan cards. HAHAHAH. Pero ang totoo, magnanakaw sha ng Sapatos. Karma lang yan bro, Dont care pare, Magickero kami!
Isa pang naging uso nun sa amin ay ang mga Gagamba. OO ! gagamba, or ang sinasabi nilang... "GAGAMBANG PANGLABAN" yup yup ! Spider Derby para sa mga konyo na mga klasmeyts ko. Sa likod ng paaralan namin ay merong dalawang manong na nagtitinda ng mga Gagambang nakakarton. meron
5 Piso (weak na spiders, feeders lang. Affordable and usually pang katuwaan lang)
10 Piso (tama lang.. pwede na, lumalaban pero fragile and slow. Lucky spiders din dahil minsan nakakatsamba to makapatay ng 20 at 50 peso spiders. LOL)
20 Piso (Elite, Mabingis at mabalasik; mabibilis gumalaw to; kadalasan color Red at White; they're kept inside a rectangular box with small cubic partitions.)
50 Piso (Champion Breed! eto ang malulufet. King of Kings! Isang kagat = Ngisay na gagamba mo. These bastards are pampered, naka separate ang box nila, tapos may Cotton pa ha! aba sosy na gagamba! and laging may sacrifice na 5 Piso na spider inside. )
Okay, so malakas nga ang 50 peso spider, one day nachallenge ko ang classmate ko na si Johan, Johan was a champion sa spidey battles namin w/ his mighty Red Spotted Spider. Sabi nya mismatch lahat ng gagamba namin! as in lahat ! so, nilaban ko yung dinala kong Mantis na kakahuli ko lang galing sa garden namin. yep! MANTIS. So pumayag sha! Ano nangyari ?
ayun! Two green sickles grabbed the spider in split seconds and viola! FIESTA si mantis. Hhaha umiyak si Johan. CHAMPION PALA AH!
Since Catholic School kami, nakaugalian na naming tumambay sa Saint Andrew's Church after lunch, naging strong kami as in buong class namin dun ang tambay. Ultimate Bonding! Batuhan ng mga Water Balloons at dun din kami nakakita ng mga 3rd Year guy na nakikipaglaplapan sa 3rd Year Biyatch ng St. Paul sa loob ng School Bus.
Sarap ng buhay highschool ko nung First year. Syempre pag uwian na, nagpapa cute kami sa mga chicks. (I know its now appropriate na sabihan ng Chicks ang mga pretty ladies, and they hate it when guys refer them as bebe chickens. LOL). Kasabay ko pauwi lagi ang naging best friend ko at kapitbahay na si Miguel at tropa namin din nun ang mataba namin friend na si J.P.
Ang mga Awards na natanggap ko nun sa 1st Year Highschool ay 2nd place sa Art Contest Single Entry, Noisy, Standing, Playing at Signed Paper na nagsasabi na pasado ako sa First year Highschool. YEAH !
- END -
1 comment:
ganda ng istori mo mang dallas!
op kors is orayt!
- AkoPoSiPopoy
Post a Comment