Sunday, January 18, 2009

DREAM : January 18, 2008

Lahat naman tayo nagkakaroon ng dreams when we sleep.. Let me share my dream kanina..

"Nagpapa~Spa ako at nakadapa pero weird dahil naka school uniform ako habang minamasahe.
Black slacks, COCC t-shirt at white na polo w/ patch ng St. Andrew's school. Morning yon.. then bigla nalang ako inaresto ng naka silver toga people. Galing nga eh, hindi ako pumalag. LOL.
Naglakad kami nang naglakad.. na reach namin ang place na punong puno ng palayan at kawayan.
Kaliwa't kanan ang nilakad namin kasama ang mga classmates ko nung highschool. Lahat kami nakaposas at nagkkwentuhan na parang field trip. Walang sandata ang mga kumidnap sa amin pero sunod sunuran pa rin kami sa kanilang mga yapak.

Nakarating kami sa kanilang "homebase", at doon ko nakita ang lalakeng maskulado at may balbas. Si Leonidas ! (of the movie "The 300"). So, in short, nahuli ako ng mga spartans. Hindi na nagkaroon ng intro. sa pagdating namin. Pinasok na agad kami sa aming mga barracks at dun naka tambay na parang naghihintay ng flag ceremony. Dumungaw ako sa labas at nakita ko ang daan-daang mga estudyante ng St. Andrew's ang nagsasanay ng pankreon, yun parang greek martial arts. tae yan! hahaah. dun ko naisipan na kailangan ko tumakas. Pinagmasdan ko ang mga bantay at ang mga posisyon nila. Kakaiba ang mga nakita ko.. may mga radio communicator sila at naka silver geek suit at helmet. Andun pa ang Manong Guard namin sa opisina na nagsisilbing taga bilang ng mga estudyante. LOL. Pagtingin ko sa labas, andun ang mga classmates ko na sila Jethro at friends. Nasa kotse sila at parang tatakas na... So, lumabas ako ng barracks. Hindi nga ako sinaway..naglakad ako mag isa sa open field habang papalapit sa kotse. Biglang narininig ko ang mga katagang.. "SNIPER SNIPER!", sabi ng Manong Guard habang pinagmamasdan ako. Ako naman para hindi mag mukang obvious, paglapit ko sa sasakyan.. at siksikan na pala sila at dahan dahang bumalik sa barracks.

Di nagtagal pinalabas ang buong class namin kasama ang class ng iba. Turn na daw namin mag sanay ng Pankreon. At the same time, nag lunch time na ang mga guards dahil hapon na.. Yes! walang bantay. Naka scooter lumabas ang mga guards para bumili ng ulam. Yun na ang pagkakataon na tumakas. Tumakas nga kami! Tinakbo namin ng tinakbo ang kaharian ni Leonidas na pawang walang katapusan. Kasama ko sa mga tumakbo si Noel Comia, Daradar at Marcial. Mga highschool friends. Pagdating namin sa kalsada... naging FORK ang daan. Meaning....3 Way sha. So dun kami naghiwa-hiwalay... No more farewell nor goodbyes... basta tumakbo lang kami agad !

Habang tumaktakbo palayo sa kampo, nasilayan ko ang maliit ng pagawaan ng scooter. (Weird dba? May motor shop kela Leonidas) Pumasok ako.. at may nakausap ako na matanda. Nagmakaawa ako na ilabas ako dun sa Exit point. Pumayag sha.. pero kailangan nya ng kapalit. Nakakita ako ng bisikleta sa tabi ko at sabi ko.. "Heto ang kapalit, isang biskleta !". DEAL ! So sinakay nya ako sa Scooter nyang malufet at binalik sa Exit Point. Ang Exit Point ay putol na puno na maraming ugat. Simula dito, ilang lakaran nalang pauwi sa bahay. Yun ang pagkakaalala ko. So nilakad ko ang daan...nakasalubong ko sila Comia at Marcial (At naka bisikleta na sila, mukang ninakaw nila yung pinang-uto ko na bisikleta kay manong) Umangkas ako sa kanila pauwi sa bahay. Nagulat ako at nakasalubong namin yung Spartan geek na naka Silver Suit at Helmet. Tatlo sila na naka scooter. Yung dalawa dumiretso.. yung isa, nag Drift at hinabol kami.
Well.. matagal tagal na habulan yon but in the end.. Panalo pa rin yung Nakaw na bike ni Manong. Nakarating na kami sa dulo.. dun sa mga madamong lugar at pader na kawayan. Yes ! Makakauwi na ako! Nagbago na rin mga kasama ko... hindi na si Comia at Marcial, naging Gerald at Olan na! (Mga kapitbahay ko) Hahahaa galing no?

Naglakad kami palabas.. ngunit nakita ko sa labas ay dagat na may malalakas na alon.. TANGINA! SHIT ! Nasa Sparta, Greece ako! Maraming ruins sa paligid at kay ganda ng dagat. Naglakad ako patungo sa dalampasigan. Greenish-Blue ang kulang ng dagat sasaktuhan pa ng makulimlim na tanghali. Sa paligid namin ay punong puno ng mga ruins o mga sirang gusali na pinaglipasan na ng panahon. Naglakad pa ako sa dalampasigan... ramdam ko ang tubig at maliliit na alon sa aking binti. Sa di kalayuan ay nakita ko ang parang kweba o tempulo... oo malaking temple ruins. Natatakpan to ng alon from time to time. Maganda ang dekorasyon nito at parang gusto ko pasukin ngunit hindi ako marunong lumangoy. Inalon ako...at nadulas. Napahiga ako sa mga puting buhangin. Kumapit ako sa buhangin ngunit lumulubog lang ang kamay ko dito na parang kumunoy. Habang lumalakas ang alon ay patuloy ako hinahatak ng dagat. Paulit ulit habang halos lubog na ako at malapit na kunin ng dagat.. binaon ko ang mga daliri ko sa mga buhangin at hinatak pataas ang akin katawan sa lupa.. at doon natapos ang akin panaghinip.."

2 comments:

Anonymous said...

tanginang panaginip yan.

~angelsnare said...

bloggie na :D

lol.

langhyang panaginip yan.

300 freakoid!