Monday, November 24, 2008

KABILANG KATAUHAN

Gumising ka sa katotohanan.. hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo. Siguro sa paglipas ng panahon makukuha mo rin yan na parang pag-abot ng iyong mga kamay sa buwan. Na kada pag abot mo ay unti unti itong lumalapit sayo. Sa ganitong panahon, kailangan na kalimutan lahat ng mga taong nakasakit sa iyong damdamin at bigyan ng kaunting atensyon ang mga taong ito, bagkus, ikaw pa rin ang magsisilbing ilaw para sa mga nagluluksang mga puso at mga durog na pangarap.

Itago ang iyong damdamin, kalimutan na magmahal at ituloy ang iyong daan para sa mga pangarap. Hindi naman mawawala ang mga bagay na yan at mapapasaiyo din yan. Ibalik ang dating ugaling nakasanayan na, iwanan na ang pagiging sensitibo at iwasan ang mga gawain na ikakalugmok mo sa putik ng kabiguan.

Maging pasensyoso ka! Isipin mo ang mga bagay na "suntok sa buwan" ay kayang abutin!!! Nagawa mo dati ang imposible, kaya mo ulit itong gawin ngayon.
Kalimutan na lahat ng mga nahihirapan. Sarili mo nga hindi mo matulungan, yung ibang tao pa kaya?! Kung pareho lang talaga sana nagkakaintindihan ang dalawang panig, wala sanang ganito... wala sanang hinanakit. Wala sanang pusong masasaktan. Wala sanang pagbabago na mangyayari sa sarili... ewan ko! Alam ko naguguluhan ang iyong isipan.

Alam ko ginagawa mo ang ganito upang protektahan ang iyong damdamin laban sa mga bagay na ikasasakit ng iyong puso. Kaibigan... halika, sumama ka sa akin at dadalin kita sa mundo ng puot at galit. Wag ka na sumama sa isang mong katauhan na ang alam lang ay magmahal at magaruga. Wag ka na malungkot dahil sa galit na mararamdaman mo sa ating paglalakbay, ikaw ay magiging malakas ikaw ay magiging malaya! Gamitin ang utak, pati ang pusong umaalab! Tumayo ka kaibigan at wakasan na natin ang walang kwentang sayaw na to.

No comments: